Skip to content

Paslit Numero Dos: Laro Tayo!

July 22, 2009

BATA! NALARO MO BA ANG MGA ITO? ANG SAYA SAYA DI BA?

(Kid! Have you played these games? Aren’t they enjoyable?)                       

I used to wake up early in the morning, not thinking of breakfast or anything else but games! O mga batang laking lansangan, do you still remember these games? I used to play them all, I just don’t know what happened now that I’m a grown up, all my bones and joints hurts whenever I move. Just to think I used to do “tambling” when I played Chinese garter with my female friends (pangbabae lang daw kasi yon kaya nong panahon ko walang makikitang lalake na naglalaro non!)

Eto pa! sapak baro or piko! ang galing ko don! naku me special bato pa ako don na laging nasa bulsa everyday! tumbang preso, well di ako masyado don kasi me hika ako e madali ako mapagod sa pagtakbo, but mind you kya kong magtambling sa chines garter at maglaro ng basketball na walang humpay! hahaha. Di ko lang talaga type dangerous kasi baka matamaan ako ng tsinelas LOL. Luksong tinik mahig rin ako kasi medyo madali di gaya ng luksong baka, naku sa laki ko noon (hanghang ngayon :-D) e bka mabalian ng likod ang taya! hehehe. And pag maganda ang araw magandang magpalobo di ba? eto ang special formula ko: tubig, tide na sabon (hindi pwedeng basta sabon lang! otherwise di maganda ang lobo!) haluing mabuti at eto ang sikreto! tinadtad na dahon at bulaklak ng GUMAMELA tapos didikdikin ito at pag muka na itong likido saka ilagay sa water-soap solution. walah! palobo! naku naaalala ko dalawa kami ng kapatid ko naghahanda ng palobo sya ang nghahalo ng tubig at sabon at ako naman nagtatadtad ng dahon. Ay sus biro mo ba namang biglang kumuha ng dahon itong si kapatid ko sabay lapat naman ng bolo sa braso nya! ay sus! ako ang iyak sa takot sa dami ng dugo at laylay ang kmay nya sa laki at lalim ng sugat! muntik ng umabot sa buto samantalang ang kapatid ko e nakatingin lang sa sugat nya. Ala! e sugod sa ospital! at ako naman syempre de tadtad ng sigaw ng nanay ko sa galit!

Nalaro ko rin ang sipa of course madalang naman ang babae na naglalaro non kaya boys ang kalaro ko. One of the boys ba! Siga rin pero iyakin hahaha. Naging hilig ko rin ang lastiko (rubber band), teks, at jolens! naku me pagdapa pa ko sa putikan non para lang mapa-shoot ang jolens sa hole no! Pag uwi sa bahay e sapo sa puting t-shirt ang mga napanalungang jolens! Sabay galit syempe ng nanay ko, e kahirap labhan kaya non at puno ng putik!Sa lastiko naman, pinagbubuhol ito at sinisipa hanggang sa makalas at ang makakalas, panalo. Sangkaterbang lastiko ang inuuwi ko non at nilalala ko ito nakasampay sa leeg sa paglalaro parang sawa sa laki! at si nanay sa galit ng minsang dumating ako sa bahay ng gabi na sa kalalaro? tinadtad ang aking mga lastiko at inihayin sa aking parang pansit sabay sabi: ” malalagutan na ako ng boses katatawag sa iyo at tayo’y kakain ay hindi ka pa mapara! kung gusto mo iyan na lang lastiko ang kainin mo kung magutom ka tutal ayaw mong kumain sa tamang oras! Naku simula noon hindi na ako naglaro ng lastiko. At lagi na akong umuuwi ng maaga. Takot ko na lang magutom no! At di ko type ang pansit na lastiko, makunat ata yon, mahirap nguyain at baka mabulunan pa ko! hahaha! 

Kapag boring naman ang araw at, lets face it, laging maulan sa pinas di ba? e inilalabas ang jackstone, sungka, pick-up-stick, at plastic baloon na naku! don ata nagsimula bambolia ko nung ako’y bata! (feeling maga ang lalamunan kahihihip!)

Sa dami ng laro noon e hindi boring ang paglipas ng oras. Ang mga bata e active at maliliksi di gaya ngayon, puro computer games na lang, at ang kumikibo na lang sa katawan e daliri sa pagpindot! Mas maganda noon kesa ngayon hindi lang exercise ang mga laro kundi marunong ding makihalubilo ang mga bata. Ngayon kilala pa kaya ng mga bata ang kapitbahay nila?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: