Skip to content

Why I was asleep while being awake? Gawa ng mga Hunghang!

May 27, 2009

It seemed as if i have abandoned this blog site. I really didn’t have the courage to spill whatever is in my head in time of turbulence. I do scare myself sometimes. Anyway, I’m back and i just have to say something.

I have looked into other blogs, reading, commenting and chatting and somehow got in touch with old classmates and friends. Millions and billions of ideas i found, although i can’t think of anything at the moment. I came across all sorts of conversations, sad, happy, even disagreements. Wow! at first   I thought when i first created this blog, i will just be myself and carelessly say and express what i think and feel! PERIOD. But i have forgotten that people visits sites (not that many visits mine) and i think i really have to consider being tactful. I’m a blabber  and i don’t know that what i’ve said was hurtful to others. Kahit pa sabihing inedit ko na. Me pagkamanhid kasi ako minsan. I always go with wherever my mind goes. I dream while I’m awake actually and I do tend to overdo it sometimes. Somehow I still believe in hope for all mankind. Naks! Lalim! Pero walang kinalaman yon sa topic ko at halatang ayan, lumalayo na sa topic ko…kung sabagay Asleep while Awake nga e! hahaha! Tulog na utak ko! Patawa lang po. Sana me ngumiti manlang kahit ngiting aso o kabayo. So, while I was away from my blog, I was working, relaxing (because I really needed it and my stress level was just as high as Mt. Everest) and trying to heal my physical illness (baka akalain mentally ill ako e, kung sabagay aminado ko minsan sinsayaran din ng toyo LOL!) 

Actually, work problems, I was ill as I said and literally my right arm was paralyzed. Tagalugin ko na at baka me puting maligaw dito sa blog ko. Ano pa’t humingi ako ng oras sa aking bosing para makapagpatingin sa mangagamot ngunit dahil sya’y talagang walang puso at damdamin, hindi nya ko pinayagan…sa parte ko naman e katangahan. Alam kong pwede akong mgawalk out at dumeretso sa manggagamot pero di ko ginawa. Masyado kasi akong masunurin. Ano pa’t ayon na nga nagkandaloko na ang aking balikat, braso at kamay. Di na maigalaw. Kinabukasan pa ako nakapunta sa duktor dahil walang kwenta and mga ospital rito! biro nyo isinugod ako ng aking nanaynanayan rito sa ospital ng mkita nya ang sitwasyon ko pero wala ring ngyari dahil “acute” daw ang kalagayan ko kelangan daw dumaan muna ako sa duktor bago nila ako galawin! libre nga letche naman! Hindi ba pag acute dapat gamutin agad? dito hindi! mamatay ka muna saka ka tumawag ng ambulance ayon! saka ka lalapatan ng medisina habang nereresuscitate. Ano pa’t tiniis ko na hanggang kinabukasan. Sugod uli sa duktor magang maga pa lang. Tendonitis, bursitis, infingement sydrome daw, malapit ng mag snap ang tendons ko sa madaling salita and as matter of  fuckfact napatunganga ang gwapong doctor na hinadupak naman. Pano daw ako nakatrabaho ng ganon! so, ang verdict… Off work…he’s given me a doctor’s note na kailangan kong ibigay sa aking ger. Fine! Binigyan ako ng reseta then maghintay daw sa tawag ng PT. So lakad ako sa work at iniabot ang verdict sa bossing. Mukang hindi sya masaya at simangot. Kamo sya lahat ang gagawa lahat ng Shifts ko na 13 hrs shifts na me kahalong night duties pa, e hindi sa bayad sya extra shifts na gagawin nya. LOL!  Ayan kasi di ako pinayagang magpagamot lumala tuloy! Ano pa’t umuwi ang inyong lingkod at naghintay sa tawag ng PT. Ay pagkatagal! Oras, Araw ang hinintay! Hindi ko natiis ang sakit kaya’t ang lola nyo’y nghanap ng ibang medisina. Natagpuan ko ang Poison Ivy. Great! Gumaling nga ng bahagya! ano pat ako’y nakakagalaw na, Makalipas ang mahigit isang linggo, tumawag ang PT at ako’y tiningnan, taas ang kamay don, dito, ikilo papunta don, iikot, ibaba, at kung ano ano pang ehersisyo. Ano pa’t ako’y lumala. hunghang kasi sinabi ko nang masakit e. Procedure daw nman yon. Ay naku naiistress ako! ewan ko nga ba’t  pumunta pa ko don e ok na’t magaling na ko. Kaya heto ang inyong lingkod me mahigit isang linggong pahinga at hindi pwedeng magtrabaho. Kaya ang utak e tulog habang gising, nag iisip ng raket dahil mahal ang renta sa bahayat expenses. Pagnagkasakit kasi Statutory pay lang ang bigay less tha 5% lang ng sahod for a month a week! pd ba yon e 50% sahod a month ang expenses sa bills, rent and food! Ay karamba! Naku makatulog na nga at nang mawala ang aking pagkatulala! Ewan kung ipopost ko to. Wala tong katuturan, medyo naglalabas lang ng sama ng loob. Hirap nga naman ng solo, sariling sikap, naku sana ma realize ng ibang tao na makikitid ang utak na di porke nag aabroad e ok at maginhawa! Naku ka laking ginhawa sa pinas! 

Ay naku random thinking po to… ramdom emotions din, kaya random ang labas ng post.

4 Comments leave one →
  1. guy_vigilplus permalink
    July 15, 2009 8:41 pm

    Pretty cool post. I just stumbled upon your blog and wanted to say
    that I have really liked reading your blog posts. Anyway
    I’ll be subscribing to your blog and I hope you post again soon!

  2. June 3, 2009 3:21 pm

    marami nga sa atin ang di nakaka unawa

  3. May 31, 2009 8:36 am

    May katuturan ang lahat. Heto may nakabasa. Welcome back! See you around!

  4. May 31, 2009 4:44 am

    OT: gurl, I stole your pic and posted it sa Barrio hehehe!

    http://barriosiete.com/chi-on-scientifically-proven-herbal-medicines/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: