Skip to content

Hay Buhay!

February 20, 2009

Here I am trying to catch up with my writings from almost 14 years ago. Now, Im trying to live my life as I’ve chosen it. Very difficult it is to be alone, in a foriegn land living like an alien. Anyway maiba tayo…. kaya ako ngsusulat ngayon dahil ako’y napilayan. Pahinga muna kung baga, kaya eto walang magawa. Kaya gumawa ng Blog ang inyong lingkod. Baka di ko na uli to magawa pag busy na ako kaya yong mga interesadong magbasa , e di basahin nyo, I dont want to be rude… kaya thanks sa mga magbabasa po.Mga samu’t sari lang po to na me katotohanan.

Kakaiba sa Pilipinas! yan ang buhay dito:

Dito sa UK, mahal na mhal nila ang kanilang mga pets, maaso man o pusa. Aba! e kasalo sa pagkain at kung anong kain ng amo e kain din ng alaga! Si tita “C” nong mamatay yong aso nila isip na isip…hindi dahil sa mahal nya yong alaga kundi…biro mo injection for making the poor dog “sleep” (papatayin in other words) e 90 pounds! kamahal di ba! yong ibang matatanda ipinamamana ang lahat sa alaga kaya ayon nsa old people’s home at mahirap pa sa daga samantalang ang pusa e tuwang tuwa at maraming alalay na daga! este mga taga alaga pala.

Madaming assistance ang gobyerno sa mahihirap… lalo na sa mga solo mother’s and teenage parents, libre allowance, pabahay, and all, libre lahat kaya ayon latest balita! 13 year-old father new parent of a very cute baby! cute nga! pero ng tinanong ng press “what are you going to do financially?” ang sagot, “what is financially?” …they explain what it meant… then replied, “well I get a £10 pocket money every week”! ay sus! kung hindi ka naman himatayin!

Malapit na ang Mother’s Day dito, March yon! kya last year anong ginawa ko? kontodo padala ng mother’s day card sa mum ko grabe ang advance! mkalimot ba na May nga pala sa tin sine celebrate yon! Me dementia na talaga ako!

Easter! wala tyo non, magpapakana ng itlog na chocolata at kukulayan. itatago sa garden at saka hahanapin ng mga bata. Sa town, mas masaya kasi sa buong town ka maghahanap ng chocolate eggs ingat nga lang sa mga sasakyan kasi me mga tatanga tanga na naghahanap sa kalye! di bata ang naghanap sa kalye ha! matanda na! ay sus! next easter egg hunting sna e mag post ng mlaki “for you and your children, there’s no hidden eggs on the busy streets, please be careful of passing vehicles”

Eto na nga po ang sinasabi ko…. kelangan ko na umangat sa aking pagkakaupo sa harap ng computer….. madaling araw na pala! anyway, kung nasimulan ko lang sna to ng maaga mas ok. thanks to chocolateword and bluepanjeet at nabasa ko ang blogs nila (kakabasa ko lang in all honesty grabe sa hanep ang blogs nila!) kung hindi e nagmumukmok pa rin ako hanggang ngayon… at nagpapalipas ng oras sa pagpapalit ng skin sa friendster na walang katuray turay! tah for now!

2 Comments leave one →
  1. February 23, 2009 2:42 pm

    thanks for the mention. I hope your blog would grow. I am looking forward to reading posts from you. anong work mo sa UK?

    • February 25, 2009 11:19 pm

      it’ll probably take time before it grows. i don’t have much time to write. anyway, senior care staff ako sa old people’s home d2. kaw musta na? bka mg migrate din ko dyan after a few years…bhala na…hehehe. blita nman dyan o. take care always.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: