Skip to content

Paslit Numero Uno: Mga Kwento ni Lola

July 15, 2009

pinoy folklore

1)diwata       2)kapre       3)tikbalang       4)halimaw sa banga       5)tyanak       6)manananggal       7)syokoy=male version of sirena       8)dwende

Do you still remember the  stories of your lola and lolo  when you were a child?

I’m a fan of Harry Potter (isip bata pa kasi!) and it made me remember that Filipinos have witches as well, mangkukulam – dark witch or manggagamot – healer or white witch. Napakaraming kwento ang lola ko tungkol dito at sa kung ano ano pang kababalaghan at ibang mga nilalang kaya naman ang inyong lingkod e tumatahan ng bahay kapag malipit ng mag dagim upang makinig sa lola ng mga kwento.

Noong bata pa ang lola nyo, maraming kwento ang inana, mga tungkol sa kapre, tikbalang, dwende, engkanto, diwata, sirena, tyanak, manananggal, aswang at me tinatawag pang bulislis! malamang di nyo alam ang bulislis ano? Sabi ng lola ko nakakita na raw siya ng bulislis na lumalabas sa gabi (tyak panakot ni lola para di kami lumabas pag gabi na!). Nangunguha raw ito ng mga bata at mga dalaga (hindi ko lang alam kung bakit nangunguha.) Maliit raw ito, hanggang binti ang taas me malaki at matulis na tenga, kulubot ang balat malaki ang tiyan at malaki ang bibig na kapag ngumiti o bumulislis ay abot ang sulok ng labi sa tenga. Kapag nakakita raw ito ng bata o ng dalaga e ngingisi ito ng isang minuto ng hindi kumikibo pagkatapos e kikitilin at kukunin ang biktima. Mabilis raw ito at walang nakakatakas. Ang tanong ko sa lola ko, “kung nakakita na ho kayo ng bulislis at nakita kayo nito pano kayo nakatakas?” Ngumiti si lola at sabay “A! isa lang paraan para manatiling nakangiti ang bulilis! maghuklas ka at ipakita ang iyong puwit! Pagkatapos noon e saka ka kumaripas ng takbo papauwi at pag nakapasok ka na sa bakod ng bahay nyo, hindi ka na hahabulin.” LOL! me pagka malisyoso ata yong bulislis na yon! Gayon din, ang mga kwento tungkol sa mga enkanto dwende at sirena, kapag daw napaibig sa tao ang mga ito ay sapilitang kinukuha at itinitira sa kaharian ng mga kakaibang nilalang (E bakit si Dyisibel sya pa ang nahuli ng tao? hahaha)  Kadalasan raw ang mga ito ay mga magaganda at gwapo at talagang kaakit akit! Mukhang mga artista na mapuputi raw! Aba naku teka! Di kaya ang mga artista sa atin e mga engkanto? Ano pa at nakakita na rin daw siya ng kapre, itinuro pa ang puno ng mangga na dati ay malapit sa aming bakuran(putol na ngayon). (talagang tinatakot kami para hindi kami maglaro sa gabi!) humihithit raw ito ng tabako at bigla na lang maglalaho na parang bula. (Naku e hindi kaya mga kabataan yon na ngtatago para makapagyosi? At sa labo ng mata nya e napagkamalan nyang kapre? O baka sa panahong yon e gutom lang si lola ko at kung ano ano na ang dumadapo sa imahinasyon?) Gayon din kelangan daw palaging magsasabi ng “TABI PO NUNO” kapag tutungtung sa malaking bato, sa punso, sa tubig ilog, sa kweba at sa kung saan saan pa! At kung makakakita raw ng napakagandang halaman o bulaklak sa gitna ng gubat o tabi ng ilog o kung saang liblib na pook na wala namang taong me nagmamay-ari e huwag raw gagalawin o hihipuin manlang dahil ang me tanim daw noon e kakaibang nilalang. (If I know wild plants and flowers yon, kaya maganda dahil hindi naiistorbo ang habitat, kakaibang nilalang daw ang me tanim? naku baka naman si beast ng beauty and the beast? ano kaya? makahanap kaya ng halaman o bulaklak na ganoon!)

Naku marami talagang alaala ang ating pagkabata di ba?… at sa mga kwento pa lang ni lola pwede na atang itabi sa librong pambata na hahataw sa takilya! Indeed kitang kita ang Philippine culture na ipinamamana. Sayang kokonti na ang mga batang aware sa ating kultura. Hindi na rin ako nakakarinig o nakakakita ng mga lolang nagkukwento ng mga ganto sa mga bata. Maswerte ang mga sinaunang kabataang katulad ko. Me lola na naghatid ng saya at alaala sa mga kwento. (This blog is dedicated to my lola who passed away a few years back.  Bless her soul. She’ll always be remembered.) 

Abangan ang susunod na kabanata….

About these ads
3 Comments leave one →
  1. August 16, 2009 6:29 pm

    hahaha! wicked daw ang blog mo! lagot ka, papangalanan ka nang reader na yan, tinakot mo. basta ako, ang mga aswang na pinapaniwalaan ko eh yong mga maligno sa EIB haha

    • mabulaklaknadila permalink
      August 16, 2009 6:34 pm

      hahaha, tru! di ako paniwala sa aswang. tao lang na aswang ang totoo. and about the other reader, mahilig lang ata sa story telling a lie. like the stories of my lola. hahaha.

  2. charly permalink
    July 15, 2009 1:52 pm

    wicked blog!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: